Friday, September 25, 2015

WHAT‘S MERON BA ABOUT CONYO?

PAPANIMULA/KALIGIRAN


Ano nga ba ang conyo?  Ang conyo ay iba sa coño o konyo. Karaniwang itinuturing ang mga taong kabilang sa mataas na antas ng lipunan na mga coño o konyo. Ayon sa kasaysayan, naunang ginamit ang salitang coño bilang pantukoy sa mga dayong Espanyol na naninirahan sa mga bansang nasasakupan nila tulad ng Pilipinas at Latin Amerika. Ang salitang coño  ay nababalot sa konsepto ng kalapastanganan bilang tugon sa mga Peninsulares (Fil.Wikipilipinas, 2008).


Ang conyo naman ang pinaghalong wikang Ingles at Filipino sa iisang salita na ikinabit na sa mga mayayamang pamilyang uma-aligid sa Forbes Park, Dasma Village, Corinthians at sa mga intellectual elite ng mga premyadong unibersidad tulad ng Ateneo, La Salle at sa UP. Ito ay isang privilege dialect, isang paraan ng pananalita na tila mas pinapaigting ang konsepto ng elitismo kung ihahalintulad sa mga tao na nasa ibang social class (Wordpress, 2013).


Maraming nagsasabi na maarte ang mga gumagamit ng conyo. Nagbibigay sila ng maling interpretasyon dito. Maraming kritisismo ang nakukuha ng mga conyo dahil kung magsalita sila ay ang sinasabing halimbawa ng hegemonyang kultural o superyor na pagtingin sa kultura ng mga burgis. Marami din silang na-ibabali na mga tuntunin ng grammar, syntax, at iba pang dimensyon ng lenggwahe. Ngunit, maigi pa rin na pag-aralan natin ito dahil sa panahon ngayon, hindi na lamang ito ginagamit upang tukuyin ang isang paraan ng pananalita o kaya’y pidgin ayon sa mga eksperto sa linggwistika, kung hindi tumutukoy na rin ito sa isang uri ng lifestyle na kadikit ng socio-economic status. Hindi ka na lamang nagsasalita ng conyo kundi ay isa ka ng conyo. Ano na nga ba kapag sinabing conyo (Wordpress, 2013)?

MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN


           “Whats meron ba about Conyo?” Ang aming konseptong papel ay nag nanais na mapalawak ang kaalaman ng kapwa naming kabataan at maging ang mga nakatatanda. Ang titulong ito ay makatatawag ng pansin at makapag iiwan ng tanong isipan ng taong makakabasa nito.

     “Let’s Not Lahatin The Conyos Mga Friend” Hindi dapat natin hinuhusgahan ang mga Conyo batay sa kanilang pamamaraan ng pananalita. Isa itong salik na maaaring makaapekto sa pakikisama mo sa kanya. Isang hindi patas na pagtingin ang mabubuo sa iyong isipan at maaaring hindi mo makita ang tunay niyang pagkatao. Hindi ibig sabihin na ganoon sya magsalita ay maarte na sya o spoiled-brat dahil may posibilidad pa rin na naimpluwensyahan siya ng dati niyang mga kaibigan.


RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN


Napili ang paksang ito dahil nagbago na ang interpretasyon ng conyo. Napili ito dahil sa kritisismo ng marami sa mga conyo na parang hindi Pilipino dahil sa kanilang pamumuhay at pananalita. Magandang pag-aralan ito para malaman ano nga ba talaga ang conyo at saan ito nagmula.

Ang mithiin ng grupo ay mabigyan ng tamang kaalaman ang komunidad tungkol sa conyo; tungkol sa pinagmulan nito at kung ano nga ba talaga ito. Ito ay upang hindi husgahan ng mga nakakakinig ang mga nagsasalita nito. Lagi nalamang sinasabing social climber ang mga conyo o di kaya’y maaarte, ngunit ang katotohanan ay hindi lahat ganito. Aminin nating mahilig manguna ang mga tao sa pag puna ng ng isang tao batay sa pagsasalita o paggalaw nito. Maaaring ang ilan nga ay social climbers, pero meron din naming mga anak mayaman na nasanay sa ingles na sinisikap na magtagalog, at meron din naming mga gumagamit nito upang maging katatawanan.

 

Ang layunin ng konseptong papel ay :
·         Malaman ang pinagmulan ng “conyo” sapagkat kalimitan o halos lahat ng mga Pilipino ay di alam ang salitang conyo.

·         Upang mauunawaan bakit nagko-conyo ang mga tao. Mapapansin kasi natin minsan maiirita lang yung mga ibang tao sa mga nagko-conyo kasi para sa kanila ay nakakarindi at napakaaarte ng mga taong gumagamit ng mga ganitong salita.

·         Upang malaman ang maaaring maging epekto nito sa ating pangkalahatang komunikasyon.  Maiisip kasi ng iba, masisira ang nakagawiang pananalita ng mga tao.  Magiging dahilan ito ng pagiging mahina sa pagtukoy sa kung anong pandiwa, pang-uri o pang-abay ang kailangan gamitin sa isang pangungusap.

DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA


Mabago ang pananaw ng mga tao ukol sa konyo.

1.     Mangolekta ng impormasyon tunkol sa konyo: mga pananaw ng iba’t ibang tao ukol dito,  sariling persepsyon dito, at iba pang impormasyon na galing sa internet gaya ng:

“It’s so saya minsan na mag conyo. At kaya niyang i release ang iyong happy hormones and your sense of patawa.”  
                                                     -  Rhadson Mendoza (blogger)

2.    Ipamahagi ang mga ipormasyong nakalap sa mga bata’t matatanda sa pamamaraan ng pamimigay ng brohure na naghahayag ng mga mabuting dulot ng pagcoconyo.

3.    Gumawa ng blog o account sa social media na nagpapakita ng magandang dulot ng salitang conyo.

BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA


Kapag naisagawa ang ipinresentang proyekto o adbokasiya, magkakaroon ng pagkakaunawaan sa dalawang panig: conyo at di conyo. Maliliwanagan ang mga tao kung ano nga ba ang conyo. Mabubuksan din ang isipan ng mga tao sa pagtanggap ng conyo dahil sa pagbibigay impormasyon tungkol sa conyo. Magkakaroon din ng malinaw na interpretasyon tungkol dito. Makakalikha ng mabuting samahan ang modernong kabataang Pilipino dahil sa pag unawa ng kahulagan nito. Inaasahang maging malinaw ang kahulagan ng conyo sa napiling komunindad.