PAPANIMULA/KALIGIRAN
Ano
nga ba ang conyo? Ang conyo ay iba sa
coño o konyo. Karaniwang itinuturing ang mga taong kabilang sa mataas na antas
ng lipunan na mga coño o konyo. Ayon sa kasaysayan, naunang ginamit ang
salitang coño bilang pantukoy sa mga dayong Espanyol na naninirahan sa mga
bansang nasasakupan nila tulad ng Pilipinas at Latin Amerika. Ang salitang coño ay nababalot sa konsepto ng kalapastanganan
bilang tugon sa mga Peninsulares (Fil.Wikipilipinas,
2008).
Ang
conyo naman ang pinaghalong wikang Ingles at Filipino sa iisang salita na
ikinabit na sa mga mayayamang pamilyang uma-aligid sa Forbes Park, Dasma
Village, Corinthians at sa mga intellectual elite ng mga premyadong unibersidad
tulad ng Ateneo, La Salle at sa UP. Ito ay isang privilege dialect, isang
paraan ng pananalita na tila mas pinapaigting ang konsepto ng elitismo kung
ihahalintulad sa mga tao na nasa ibang social class (Wordpress, 2013).
Maraming
nagsasabi na maarte ang mga gumagamit ng conyo. Nagbibigay sila ng maling
interpretasyon dito. Maraming kritisismo ang nakukuha ng mga conyo dahil kung
magsalita sila ay ang sinasabing halimbawa ng hegemonyang kultural o superyor
na pagtingin sa kultura ng mga burgis. Marami din silang na-ibabali na mga
tuntunin ng grammar, syntax, at iba pang dimensyon ng lenggwahe. Ngunit, maigi
pa rin na pag-aralan natin ito dahil sa panahon ngayon, hindi na lamang ito
ginagamit upang tukuyin ang isang paraan ng pananalita o kaya’y pidgin ayon sa
mga eksperto sa linggwistika, kung hindi tumutukoy na rin ito sa isang uri ng
lifestyle na kadikit ng socio-economic status. Hindi ka na lamang nagsasalita
ng conyo kundi ay isa ka ng conyo. Ano na nga ba kapag sinabing conyo (Wordpress, 2013)?
MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN
“Whats
meron ba about Conyo?” Ang aming
konseptong papel ay nag nanais na mapalawak ang kaalaman ng kapwa naming
kabataan at maging ang mga nakatatanda. Ang titulong ito ay makatatawag ng
pansin at makapag iiwan ng tanong isipan ng taong makakabasa nito.
“Let’s Not Lahatin The Conyos Mga
Friend” Hindi dapat natin
hinuhusgahan ang mga Conyo batay sa kanilang pamamaraan ng pananalita. Isa
itong salik na maaaring makaapekto sa pakikisama mo sa kanya. Isang hindi patas
na pagtingin ang mabubuo sa iyong isipan at maaaring hindi mo makita ang tunay
niyang pagkatao. Hindi ibig sabihin na ganoon sya magsalita ay maarte na sya o
spoiled-brat dahil may posibilidad pa rin na naimpluwensyahan siya ng dati
niyang mga kaibigan.
RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN
Napili
ang paksang ito dahil nagbago na ang interpretasyon ng conyo. Napili ito dahil
sa kritisismo ng marami sa mga conyo na parang hindi Pilipino dahil sa kanilang
pamumuhay at pananalita. Magandang pag-aralan ito para malaman ano nga ba
talaga ang conyo at saan ito nagmula.
Ang mithiin ng grupo ay mabigyan ng tamang kaalaman ang komunidad tungkol
sa conyo; tungkol sa pinagmulan nito at kung ano nga ba talaga ito. Ito ay
upang hindi husgahan ng mga nakakakinig ang mga nagsasalita nito. Lagi nalamang
sinasabing social climber ang mga conyo o di kaya’y maaarte, ngunit ang
katotohanan ay hindi lahat ganito. Aminin nating mahilig manguna ang mga tao sa
pag puna ng ng isang tao batay sa pagsasalita o paggalaw nito. Maaaring ang
ilan nga ay social climbers, pero meron din naming mga anak mayaman na nasanay
sa ingles na sinisikap na magtagalog, at meron din naming mga gumagamit nito
upang maging katatawanan.
Ang layunin ng konseptong papel
ay :
·
Malaman
ang pinagmulan ng “conyo” sapagkat kalimitan o halos lahat ng mga Pilipino ay
di alam ang salitang conyo.
·
Upang
mauunawaan bakit nagko-conyo ang mga tao. Mapapansin kasi natin minsan maiirita
lang yung mga ibang tao sa mga nagko-conyo kasi para sa kanila ay nakakarindi
at napakaaarte ng mga taong gumagamit ng mga ganitong salita.
·
Upang
malaman ang maaaring maging epekto nito sa ating pangkalahatang
komunikasyon. Maiisip kasi ng iba,
masisira ang nakagawiang pananalita ng mga tao. Magiging dahilan ito ng pagiging mahina sa
pagtukoy sa kung anong pandiwa, pang-uri o pang-abay ang kailangan gamitin sa
isang pangungusap.
DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
Mabago ang pananaw ng mga tao ukol sa
konyo.
1.
Mangolekta ng impormasyon tunkol sa konyo: mga
pananaw ng iba’t ibang tao ukol dito,
sariling persepsyon dito, at iba pang impormasyon na galing sa internet
gaya ng:
“It’s
so saya minsan na mag conyo. At kaya niyang i release ang iyong happy hormones
and your sense of patawa.”
- Rhadson Mendoza (blogger)
2.
Ipamahagi ang mga ipormasyong nakalap
sa mga bata’t matatanda sa pamamaraan ng pamimigay ng brohure na naghahayag ng
mga mabuting dulot ng pagcoconyo.
3.
Gumawa ng blog o account sa social
media na nagpapakita ng magandang dulot ng salitang conyo.
Inaasahan kong makakatulong ito para maiwasan ang maling perception about conyo.
ReplyDelete